Bills na magpapalawig ng discounts sa Senior Citizens & PWDs, aprubado ng joint committees ng HOR

by Radyo La Verdad | March 20, 2024 (Wednesday) | 1055

METRO MANILA – Aprubado na ng joint committees ng House of Representatives ang 2 panukalang batas na nagpapalawig sa discounts sa Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWD).

Partikular na ang House Bill number 10061 at 10062.

Layon nitong panatilihin ang pagkakaroon ng 20% discounts at exemption sa Value Added Tax (VAT) para sa mga elderly at PWDs kahit available din ang promotional offers ng mga business establishment.

Gayundin ang pagkakaroon nila ng discount sa parking fees, electricity at water consumption, labor expenses at maging sa government training programs.

Tags: , ,