Sa botong 18-0, inaprubahan na kahapon ng Senado ang panukala na gawing otomatiko sa membership sa Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang lahat ng persons with disability (PWD).
Sa nasabing panukala, palalawigin ang tulong na ibinibigay sa nasa dalawang milyong PWD sa bansa, kung saan sasagutin ng PhilHealth ang lahat o bahagi ng gastos ng mga ito kapag sila ay naospital.
Kukuhanin sa sin tax revenues ang ipantutustos dito.
Noong 2016, umabot ang koleksyon sa sin tax ng 144.2 bilyong piso ngunit ang subsidiya na inilalaan sa PhilHealth ay umaabot lamang sa 43.8 bilyong piso.
(Larawan mula sa Philhealth)
Tags: Philhealth, PWD, Senado