Mandatory LTO exam, libre at online na

by Radyo La Verdad | November 7, 2021 (Sunday) | 11416

METRO MANILA – Sinigurado ng Land Transportation Office (LTO) na mabilis, libre, online, at di mahihirapan ang mga driver sa bagong mandatory examination para sa license renewal.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvantez, layon nilang mamigay ng educational materials na bahagi ng Comprehensive Driver’s Education Program o CDEP sa lahat upang mapanatilihing ligtas ang kalsada at tumaas din ang kalidad ng mga motoristang Pilipino.

Nabanggit din ni Chief Assistant Secretary Galvantez na makikita ang exam at educational materials sa LTO’s Land Transportation Management System (LTMS) website (portal.ito.gov.ph).

May 25 questions ang bagong exam, at kinakailangan ng 50% o 13 correct answers upang pumasa. Pagkatapos pumasa, bibigyan ng certificate ang driver upang makapagpatuloy sa renewal. Maaari din mag-retake ang di pumasa at walang time limit ang exam.

( Jacobsen Aquino | La Verdad Correspondent)

Tags: