Mamimili sa palengke, matumal sa kabila ng walang paggalaw sa presyo nito

by Radyo La Verdad | December 26, 2017 (Tuesday) | 6109

Malaking problema ngayon ng ilang tindero sa pampublikong pamilihan ang pagkaunti ng mga namimili sa mga palengke tuwing may okasyon. Ang mga nagtitinda ng karne, halos hindi nakaubos ng paninda mula pa kahapon.

May ilang mamimili naman na mas pinili nalang na sa grocery mamili upang makaiwas na makipagsiksikan sa palengke.

Sa ngayon, walang pagbabago sa presyo ng nga tindang gulay sa Nepa-Qmart sa Cubao gaya ng sibuyas, bawang, kamatis, kalamansi, patatas, pechay, talong, sitaw, kalabasa, sayote, ampalaya, bell pepper, labanos, broccoli at pipino.

Nagkaroon naman ng kaunting paggalaw sa presyo ng arrots, baguio beans. Ang buko naman na dati ay pinipilahan kapag ganitong panahon, matumal din ang bentahan.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,