Presyo ng mga bilihin sa ilang palengke sa Quezon City, muling tumaas

by Radyo La Verdad | September 3, 2018 (Monday) | 7293

Malaki na nalulugi sa karinderya ni Aling Manay Dela Fuente sa Balintawak Market dahil sa muling pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ilang pamilihan sa Quezon City. Hindi naman siya makapagtaas ng presyo ng kaniyang mga lutong pagkain sa takot na mawalan ng mga bibili.

Bukod sa bigas, ilang seafood at karne ang nagtaas ng sampu hanggang tatlumpung piso bawat kilo.

Sa Balintawak Market, ang bangus na dating nasa 130 piso kada kilo, ngayon ay 150 piso na. Salmon naman na dating 60 piso, ngayon ay nasa 80 piso.

Gayundin din ang tulingan na ngayon ay nasa 130 piso bawat kilo na mula sa dating 100 piso. Tumaas din ang presyo kada kilo ng tilapia, yellow fin tuna at galunggong.

Bukod sa isda, may dagdag din sa presyo ng pusit at hipon na ngayon ay nasa 320 piso na kada kilo mula sa dating 300 piso, habang ang alimasag naman ay 300 piso bawat kilo na mula sa 280 piso.

Samantala, tumaas din ng 5 hanggang 30 piso ang presyo kada kilo ng mga gulay.

Ayon sa mga tindero, pangunahing sanhi ng dagdag sa halaga ng mga bilihin ay ang mga sama ng panahong naranasan sa bansa.

Bukod sa mga lamang dagat at gulay, nagkaroon din ng pagtaas sa presyo ng karne gaya ng baboy na 200 kada kilo na mula sa 190 piso kada kilo at manok na 150 kada kilo mula sa dating 140 pesos bawat kilo.

Ayon naman kay Agriculture Secretary Manny Piñol, inaasahan naman nila na kapag bumaba na ng presyo ng bigas sa Nobyembre, susunod na rin ang presyo ng iba pang bilihin.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Kaso ng Covid-19 sa QC, pumalo na sa 2000; mga namatay nasa 169 na

by Radyo La Verdad | May 24, 2020 (Sunday) | 125158

METRO MANILA – Sa pinabagong ulat ng Quezon City local government, umakyat na sa 2000 ang naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 sa lungsod. Kung saan 841 sa mga ito ang active cases.

Muli namang nadagdagan ng tatlo ang bilang ng mga namatay sa lungsod dahil sa Covid-19, kaya’t kung susumahin ay mayroon nang 169 total deaths ang Quezon City.

Patuloy namang dumarami ang mga indibidwal na gumaling na sa sakit na ngayon ay umaabot na sa 624.

Sa ngayon ay nakipag-partner na rin ang QC local government sa isang pribadong kumpanya para mas mapalawak pa ang pagsasagawa ng rapid testing. Anila malaking tulong ito upang mas madaling matukoy at maihiwalay ang mga residenteng apektado ng Covid-19 upang agad na magamot.

Nauna nang nagpatupad ng special concern lockdown ang QC LGU sa mga piling lugar sa lungsod kung saan naitala patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Ang Quezon City ang lungsod sa Metro Manila na may pinakamaraming populasyon, at may pinakamataas na kasong naitala ng coronavirus disease.

(Joan Nano)

Tags: , ,

Mga walang damit pang-itaas, mahigpit na pinagbabawal sa mga pampublikong lugar sa Quezon City at Pasay City

by Erika Endraca | November 8, 2019 (Friday) | 119106

METRO MANILA – Mahigpit nang ipatutupad ng pamahalaang lungsod ng Pasay at Quezon City ang kanilang ordinansa na ipinagbabawal ang mga walang damit pang itaas.

Lahat ng mahuhuli ay pagmumultahin ng hanggang P4,000 at 1 araw na community service ang parusa sa mga lalabag dito.

Layon ng mga ordinansang ito na makapagtanim ng kabutihang asal at pagiging disente sa publiko. Samantala tanggap naman ng ilang mga residente na maganda ang intensyon ng naturang batas.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags: ,

16-wheeler truck, tumagilid sa bahagi ng NLEX sa Balintawak, Quezon City

by Radyo La Verdad | December 13, 2018 (Thursday) | 82831

Humambalang ang isang 16-wheeled trailer truck na tumagilid sa bahagi ng North Luzon Expressway sa Balintawak, Quezon City bandang alas singko ng umaga kanina. Sakay nito ang driver na si Stephen Morones alyas Tonton, 30 anyos at ang pahinante nito na si Fernando Santillan.

Una itong sumalpok sa concrete separator at bahagi ng poste ng road sign hanggang sa tuluyan itong tumagilid sa dalawang lane ng NLEX. Walang laman ang trailer truck na naghahakot ng mga plastic bottle scraps sa North Harbor mula sa Valenzuela City.

Ayon sa driver ng truck, nakaramdam na ito ng antok hanggang sa nakatulog ito habang nagmamaneho. Nagtamo ng sugat sa paa at pananakit sa baywang ang pahinante ng truck habang iniinda ng driver ang hirap sa paglalakad. Wala namang ibang nadamay sa insidente.

Bahagyang nasira ang concrete separator at natanggal ang bahagi ng poste ng road sign ng NLEX kung saan bumangga ang truck.

Dalawang lane ng NLEX-Northbound lang ang maaaring daanan kaya’t nagdulot ito ng mabigat na trapiko sa NLEX at northbound ng EDSA.

Agad na nagsagawa ng clearing operation ang NLEX traffic control upang matanggal ang tumagilid na truck sa pamamagitan ng isang lifter. Dadalhin ang truck sa impounding area ng NLEX sa Pulilan exit.

Mahaharap ang driver sa kasong reckless driving resulting to damage to property.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,

More News