Malawakang kilos-protesta na isasagawa ng iba’t-ibang grupo sa Oktubre, hindi bahagi destabilisation plot – Makabayan

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 3162

Ilang araw nalang Oktubre na, at sa buwan ng Oktubre ayon sa Duterte Administration at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay kikilos umano ang Communist Party of the Philippines (CPP) kasama ang grupo ng oposisyon para sa planong pagpapatalsik umano sa Pangulo.

Ang Makabayan Bloc, aminadong may isasagawa silang malawakang kilos-protesta sa Oktubre.

Pero, hindi daw ito maituturing na destabilization plot laban sa Presidente dahil ito ay taunang pagkilos ng iba’t-ibang grupo.

Mariin ring tinanggi ng Makabayan congressman na nakikipag-ugnayan sila sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Samantala, dinepensahan naman ni House Speaker Gloria Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga impormasyong kanyang nakakalap lalo na sa isyu ng umano’y destabilisasyon.

Ayon kay Arroyo base sa kanyang karanasan bilang dating Pangulo ng bansa, may mga sensitibong impormasyong nakukuha ang Pangulo na hindi naaakses ng lahat.

Dahil sa isyu ng Red October, hiniling ng Makabayan congressmen na ipagpaliban ang deliberasyon sa panukalang pondo ng National Security Council (NSC) at Military Intelligence Cops Association (MICA).

Dahil ginagamit umano ng mga ito ang kanilang pondo sa pagbibigay ng maling intel report sa Pangulo.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,