Malawakang kilos-protesta laban sa Aministrasyong Duterte, isasagawa sa Sept. 21

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 5621

Inihahanda na ng iba’t-ibang grupo ang unang malawakang protesta laban sa Administrasyong Duterte na isasagawa sa Luneta sa September 21. Kasabay ito ng anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

Ayon sa mga convenor ng Movement Against Tyranny, sobra na ang nangyayaring patayan sa kampanya kontra droga ng pamahalaan at ang pag-atake ni Pangulong Duterte sa Korte Suprema, Commission on Human Rights at Ombudsman. Bukod pa rito ang anila’y hindi pagpaparaan ng Pangulo sa mga bumabatikos sa kanya.

Nakababahala na rin umano ang tila pag idolo ni Duterte sa dating diktador na pinayagan pa nitong mailagak sa libingan ng mga bayani at ang usap-usap ng pakikipag kompromiso ng pamilya Marcos kaugnay ng kanilang mga nakaw na yaman.

 

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,