Malalakas na pag-ulan, mararanasan sa malaking bahagi ng Visayas at Southern Luzon dahil sa habagat at Bagyong Domeng

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 1686

Nasa loob parin ng Philippine area of responsibilty (PAR) ang Bagyong Domeng na namataan ng PAGASA sa layong 605km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at pagbugso na aabot sa 60kph. Kumikilos ito pa north northwest sa bilis na 15kph.

Ayon sa PAGASA, hindi na ito inaasahang tatama o maglalandfall sa anomang bahagi ng bansa subalit palalakasin nito ang habagat.

Makararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan ang Eastern at Western Visayas gayundin ang Mimaropa, Calabarzon, Bicol, Metro Manila at ilang bahagi ng Central Luzon.

Sa Linggo ay inaasahang lalabas na ng PAR ang bagyo.

Tags: , ,