Malaking bahagi ng lalawigan ng Masbate, wala pa ring suplay ng kuryente

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 2103

GERRY_WALANG-KURYENTE
Sa buong lalawigan ng Masbate, sa Masbate city pa lamang naibabalik ang supply ng kuryente matapos itong mawala dahil sa mga nasirang poste dahil sa pananalasa ng bagyong Nona.

Ayon sa Masbate Electric Company, inuna nila ang Masbate city dahil nandito ang lahat ng mga opisina ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at ito ang sentro ng kalakalan.

Hindi pa naman nila matiyak sa ngayong kung gaano kalawak ang pinsalang naidulot ng bagyong Nona sa kanilang mga pasilidad sa iba’t ibang lugar sa probinsya dahil nasa assessment period pa umano sila.

Ngunit nagpadala na sila ng mga tauhan sa iba’t ibang lugar na kung naireport sa kanilang mayroong mga natumbang poste at nasirang pasilidad.

Pakiusap lang nila sa mga residente na bigyan pa sila ng kaunting panahon dahil limitado lang ang bilang ng kanilang mga tauhang maaring magsagawa ng repair.

Samantala halos tatlong araw na hindi nakapamalakaya ang mga mangingisda sa syudad ng Masbate.

Dahil dito limitado lang ang supply nito sa mga pamilihan kaya naman tumaas ang presyo ng mga isda.

Ang dalagang bukid na dating 120 pesos ngayong i40 kada kilo, ang sari-sari ay 60 na mula sa dating 40 pesos, samarmoliete dating 60 ngayon otsenta pesos na ang kilo

Ang tambakol naman na mula sa dating 80 pesos ngayon 120 pesos na, at lahing otsenta pesos na dating 70 kada kilo.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,