Kwestyonable para sa mga human rights group ang binitiwang pahayag ng bagong talagang undersecretary ng Department of the Interior and Local Government for Barangay Affairs na si Martin Diño.
Kaugnay ito sa pagsusumite ng mga barangay captain ng listahan ng mga umano’y sangkot sa iligal na droga at pinaghihinalaang kriminal sa kanilang mga nasasakupan, ito ay bilang pakikipagtulungan sa kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga ng pamahalaan.
Ayon sa Malakanyang, wala silang nakikitang mali sa hakbang lalo na kung magkakaroon ng masusi at tamang imbestigasyon.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 40 porsyento ng mga barangay sa buong bansa ang apektado ng iligal na droga.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )