Malakanyang, tiniyak ang kumpletong imbestigasyon sa Mandaluyong shooting incident

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 8028

Tiniyak ng Malakanyang na masusing iimbestigahan ang Mandaluyong shooting incident na kinasasangkutan ng mga pulis.

Sinabi  ni Presidential Spokesman  Harry Roque, marapat lamang ang ginawa ng pinuno ng Eastern Police District  na dis-armahan ang mga pulis na sangkot sa pamamaril.

Dalawa ang nasawi at dalawa ang sugatan sa pitong sakay ng  SUV sa brgy. Addition Hills matapos na pagbabarilin ang mga ito ng mga tauhan ng Mandaluyong police sa barangay Addition Hills kagabi.

Nasa kustodiya  na ng Mandaluyong police ang tatlong iba pang sakay ng SUV, ang mga pulis na sangkot sa pamamaril , at tatlong kawani ng barangay para isailalim sa imbestigasyon.

Samantala, pinaiimbestigahan na rin ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa National Bureau of Investigation ang shooting incident sa Mandaluyong City. Sa kautusan inilabas ng kalihim, inatasan nito ang NBI na alamin kung sino ang dapat managot sa insidente at sampahan ito ng kaso sakaling may sapat na ebidensiya.

Inatasan din ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na iulat sa kaniya ang magiging mga hakbang sa imbestigasyon sa insidente.

Tags: , ,