Malakanyang, positibo ang pananaw na tataas pa ang foreign direct investments sa bansa

by Radyo La Verdad | October 11, 2017 (Wednesday) | 3671

Masyadong pang maaaga upang makita o maramdaman ang bunga sa ekonomiya ng mga biyahe at pakikipag-ugnayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ibang bansa.

Binigyang-diin ito ni Presidential Adviser on the Entrepreneurship Joey Concepcion sa mga kumukwestyon sa resulta ng foreign trips ng Pangulo at sa umano’y pagbaba ng foreign direct investments sa bansa sa unang anim na buwan ng 2017.

Dagdag pa nito, katunayan ng business confidence sa bansa ay ang mataas na Philippine Stocks Exchange Index o ang pananatili ng magandang overall performance ng merkado sa bansa.

Positibo rin ang pananaw ng Malakanyang na tataas pa ang bilang ng mga foreign investors sa bansa.

Binigyang-diin din ng Malakanyang na isinasaayos muna ng Duterte administration ang mga pangunahing kinakailangan upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Isa sa mga ito ay ang pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan, seguridad at pagsupil sa kriminalidad at iligal na droga.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,