Malakanyang, pinayuhan si UN Rapporteur Agnes Callamard na huwag pumunta ng Pilipinas kung hindi iniimbitahan

by Radyo La Verdad | November 24, 2017 (Friday) | 4475

Ilang beses nagpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte kay United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial Executions Agnes Callamard.

Ngunit ayon sa Malakanyang, bagama’t hindi dapat gawing literal ang mga pahayag ng Pangulo, dapat maintindihan kung ano ang ibig nitong ipunto.

Pangunahin aniyang ikinaiinis ng punong ehekutibo ang pagtungo ni Callamard sa Pilipinas nang wala pang pinal na negosasyon sa official visit nito.

Lalo pang nadagdagan ito nang magsama pa ng isang resource person na nagsabing hindi naman mapanganib ang iligal na droga.

Una nang binatikos ng United Nations High Commissioner for Human Rights si Pangulong Duterte dahil sa mga pahayag nito laban kay Callamard.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,