Malakanyang, pinabulaanang may hinihiling na military aide sa Estados Unidos kapalit ng pagbalik ng Amerikanong sundalo sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1413

COLOMA
Pinabulaanan ng Malakanyang ang alegasyon ng mga militanteng grupo na may hinihinging military aide ang Pilipinas sa Estados Unidos kapalit ng muling pagkakampo ng sundalong Amerikano sa bansa.

Ito ang reaksiyon ng Malacanang matapos sabihin ng mga militanteng grupo na plano ng pamahalaan ng pahintulutang makabalik sa Subic ang mga Amerikanong sundalo kapalit ng hinihinging miltary aide ng Pilipinas para sa pagbabantay sa West Philippine sea.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang katotohanan ang naturang paratang dahil labag ito sa konstistuyon.

Nanindigan si Coloma na walang batayan ang mga militante at hindi magagawa ng administrasyon aquino na labagin ang batas.

Hinamon ngayon ni Coloma ang mga militante na patunayan ito at maglabas sila ng katibayan ng kanilang mga akusasyon laban sa pamahalaan.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,