Malakanyang, nanawagan sa mga residente sa Marawi na huwag munang bumalik hanggat hindi pa tapos ang clearing operations

by Radyo La Verdad | July 17, 2017 (Monday) | 2477


Nanawagan ang Malakanyang sa mga residente sa Marawi City na huwag munang bumalik sa kani-kanilang tahanan hanggang hindi pa natatapos ang kaguluhan at clearing operations sa lugar.

Ito ang tugon ng pamahalaan sa sentimyento ng mga residente na nagnanais nang makauwi matapos mapilitang lumikas dahil sa bakbakan na nagsimula noong May 23.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nais lamang matiyak ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga sibilyan lalo na’t patuloy pa ring nagkakaroon ng mga biktima ng stray bullet sa labas ng battle zone.

Dagdag pa nito, ongoing pa ang clearing operations ng militar sa lungsod dahil sa mga ikinalat na improvised explosive devise at booby-traps ng mga terorista.

Tags: , ,