Abala na ang House of Representatives sa paglilinis at pag-ayos ng mga pasilidad nito para sa unang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nililinis na ang mga upuan na gagamitin ng mga bisita.
Ininspeksyon narin ng Presidential Communications Operations Office ang loob ng plenaryo.
Nakipagpulong narin sila sa SONA Committee ng Lower House para sa seguridad ng pangulo at ng mga bisitiang dadalo.
Ayon kay PCOO Asec.Ramon Cualoping wala silang babaguhin sa mga nagdaang protocol ng SONA.
Ang nais lamang ng pangulo ay maging simple at maayos na maideliver ang kanyang talumpati sa publiko.
Asahan din na mas magiging maikli ang SONA ni Pangulong Duterte kumpara sa SONA ng mga nagdaang pangulo ng bansa.
Kinuha ng PCOO na maging direktor ng SONA ang international award winning na si Brillante Mendoza.
Samantala una nang sinabi ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi na required ang mga dadalo sa SONA na magsuot ng magagarang gown at mamamhaling alahas.
Nais ni alvarez na maging simple ang kanilang mga damit at magsuot lamang ng business attire.
Isang kongresista narin ang nagpanukala na alisin na ang red carpet sa House of Representatives tuwing SONA.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: Malakanyang, nag-ocular inspection sa House of Representatives, unang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte