Tiniyak ng Malakanyang na patuloy na tinututukan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang mga lugar na naapektuhan ng bagyong Lando.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Sonny Coloma, nais ng National Government na matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang naapektuhan ng bagyo lalo na sa mga lugar na binaha.
Dagdag ng Malakanyang, patuloy ang koordinasyon ng local disaster risk reduction and management councils sa DSWD, DPWH, DOE, DILG, AFP at PNP upang maasistehan ang mga residente ng Region 1,2, 3, 4-A, 4-B,5 at Cordillera Administrative Region.
Kuntenro rin ang malakanyang sa ginawang paghahanda ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ayon sa kalihim, isinagawa ang lahat ng nararapat na paghahanda kung saan nakapagsagawa na rin ng Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA, at sa bawat kalamidad na nagdaan, may mga aral anya na maaaring magsilbing gabay sa susunod na hakbang ng pamahalaan.
Ngayong araw inaasahang magiikot naman si Pangulong Aquino sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo partikular na sa Nueva Ecija.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)
Tags: bagyong Lando, Malakanyang