Malakanyang, kinumpirmang batid ni Pangulong Duterte ang alegasyon ng korupsyon laban sa MARINA administrator

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 3109

Kinumpirma ng Malakanyang na batid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon ng korupsyon laban sa Maritime Industry Authority o MARINA administrator na si Marcial Quirico Amaro III.

Inirereklamo si Amaro ng Alliance of MARINA Employees na palaging wala sa opisina dahil sa kaniyang mga pagbiyahe sa labas ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala pang aksyon ang opisina ng Pangulo hinggil sa reklamo subalit nakatitiyak itong batid na ng punong ehekutibo ang mga alegasyon laban sa Marina chief.

 

 

Tags: , ,