Malakanyang, ipinaliwanag kung bakit ipinaubaya na lang sa PDEA ang anti-illegal drugs operations

by Radyo La Verdad | October 12, 2017 (Thursday) | 2609

 

Nabawasan na ang street pushing o pagtutulak ng iligal na droga sa mga lansangan, ito ang tinukoy na dahilan ng Malakanyang kung bakit solong ipinaubaya na sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation.

Ayon kay Presidential Spokesperon Ernesto Abella, ang kailangan na lamang tutukan sa ngayon ay ang mga nasa matataas na posisyon at protektor ng drug syndicates.

Subalit walang partikular na sinabi ang Malakanyang kung ano ang batayan sa pagsasabing degraded na ang street distribution ng illegal drugs.

Hindi naman nababahala ang Malakanyang sa petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukwestyon sa anti-drug war ng Duterte administration dahil pagkakataon na ito upang maipe-presenta aniya nila ang legal at batayan hinggil dito.

 

 

Tags: , ,