Malakanyang iniimbestigahan na ang umano’y paggamit sa mail server ng Palasyo sa pag-download ng leaked voters’ data ng COMELEC

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 1961
from UNTVWeb.com
from UNTVWeb.com

Tiniyak ng Malakanyang na iniimbestigahan na nito kung nagkaroon ng pagkakataon ang mga hacker na magamit ang kanilang internet domain.

Ito ay matapos na kumalat ang reklamo at screenshot ng ilang netizen sa social media na dinownload ng Malakanyang sa pamamagitan ng sub-domain nito na mail.malacañang.gov.ph ang na-nakaw na voters’ data mula sa Commission on Elections o COMELEC website pagkatapos na ma-hack ito.

Nagamit pa umano ang naturang website ng Palasyo sa “seeding” o ang proseso kung saan ma-idownload mula dito ng iba pang internet user ang mga nakaw na data o impormasyon.

Kinumpirma naman ng Malakanyang na ginagamit ng Office of the President Management Information System o OP-MIS ang mail.malacañang.gov.ph bilang mail server nito simula pa noong 2011.

(UNTV RADIO)

Tags: ,