Itinanggi ng Malakanyang na trial by publicity ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesperson Undersecretary Ernesto Abella, hindi maglalakas ng loob na magsalita ang Pangulo kung wala siyang hawak na ebidensya dito. Aniya, ilalabas ito ng pPangulo sa tamang panahon at kung kinakailangan.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos hamunin ni Pangulong Duterte si Sereno at Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magretiro dahil sa mga kinasasangkutang isyu.
Bukod sa pinagreresign, pinaratangan din niya ito ng katiwalian, pagkakaroon ng selective justice at nagpapagamit umano sa mga grupong nais siyang patalsikin sa pwesto.
Nilinaw rin ng Malakanyang ang pahayag ni Pangulong Duterte kaugnay sa posibilidad na hindi nito pagsunod sa imbestigasyong isasagawa laban sa mga tiwaling tauhan ng Ombudsman.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: CJ Sereno, Malakanyang, Pangulong Duterte