Malakanyang, hinikayat ang Kongreso na pahintulutan ang negosasyon sa pamilya Marcos hinggil sa ibabalik na yaman

by Radyo La Verdad | September 5, 2017 (Tuesday) | 2431

Hindi dedesisyunan mag-isa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais ng pamilya Marcos na magsauli ng kanilang mga umano’y nakaw na yaman.

Una nang sinabi ng Pangulo na kinakailangang pahintulutan ng Kongreso ang gagawin niyang pakikipag-negosasyon sa bagay na ito.

Kaya naman hinikayat din ng Malakanyang ang Kongreso na bigyan ng pagkakataon na matuloy ang usaping ito.

Ayon sa  Malacañang, bukod sa posibleng mabawi ng pamahalaan ang malaking halaga, malaki rin daw ang posibilidad na magiging daan ito para sa reconciliation.

Gayunman, aminado rin itong dapat maging maingat ang hakbang ng pamahalaan upang matiyak ang pagkakaroon hustisya at pakinabang sa taumbayan.

Pero ayon kay dating kongresistang si Neri Colmenares, hindi makakausad ang bansa kung walang mapapanagot sa batas.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,