Malakanyang, hindi magagarantiyahan sa pamahalaang Bangladesh kung marerekober pa ang $81 M

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 1173

NEL_DI-SIGURADO
Wala namang maibibigay na garantiya ang Malakanyang sa Bangladesh government kung marerekober pa o maibabalik sa kanila ang milyong dolyar na ninakaw sa kanilang central bank ng mga hacker.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hihintayin muna nila ang resulta ng imbestigasyon ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa nasabing money laundering activity.

Sinabi naman ni Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma, hindi manghihimasok ang Malakanyang sa nasabing imbestigasyon dahil ipapaubaya na nila ito sa Anti-Money Laundering Council o AMLC na isang independent body na tumututok sa kaso ng money laundering sa bansa.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,