Binigyang-diin ng Malakanyang ang patuloy na pagtitiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay matapos na maging kontrobersyal ang pagkakareject ng Commission on Appointments kay dating Environment Secretary Gina Lopez at ang naging pahayag ng punong ehekutibo ukol rito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Undersecretary Ernesto Abella, bagaman nabanggit ng pangulo ang salitang “lobby”, di ibig sabihin nito ay sinuhulan ng salapi ang mga miyembro ng CA upang magdesisyon laban kay Lopez.
Kundi bagkus, ang lobby aniya na tinutukoy ng pangulo ay lehitimong paraan ng panghihikayat o pang-iimpluwensya sa mga partido.
Nananatili rin aniyang tapat ang pangulo sa kaniyang tungkuking ipatupad ang nararapat para sa mga nagkamali gayundin din sa kalikasan at naniniwalang ganito rin ang commitment ng lahat ng sangay ng pamahalaan.
Tags: Kapulungan ng Kongreso, Malakanyang, Pangulong Duterte