Malacañang, umapela sa publiko na magtiwala sa anti-drug campaign ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | September 29, 2016 (Thursday) | 1164

nel_abella
Nanindigan ang Malakanyang na dapat pa ring pagkatiwalaan ang drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng ilang pagkakamali sa inilabas nitong drug matrix o talaan ng mga pangalan ng mga opisyal at tauhan ng pamahalaan na isinasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, dapat na mas hangaan ng publiko si Pangulong Durtete dahil sa pag-amin nito sa kanyang mga naging pagkakamali.

Samantala, umaasa rin ang Malacañang na bibigyan ng pagkakataon ng mga Pilipino ang Independent Foreign Policy ng Administrasyon Duterte.

Tiwala rin ang malakanyang na mapapaigting ng Administrasyong Duterte ang economic ties nito sa mga kalapit-bansa na nakikita rin nitong solusyon sakaling maapektuhan ang ekonomiya dahil sa itinutulak na independent foreign policy ng bansa.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,