Muling umapela ang Malacañang sa publiko para sa pagdaraos ng isang mapayapa, maayos at may integridad na halalan.
ito ang Panawagan ng Malacañang matapos ang muling isinagawang mock elections ng COMELEC noong nakaraang Sabado.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., tungkulin aniya ng lahat ng mga Pilipino na makipagkaisa para sa isang mapayapang halalan.
Kumpiyansa naman aniya sila na ginagawa ng COMELEC ang lahat ng paraan upang maitaguyod ang integridad ng automated election system na gagamitin sa ika-9 ng Mayo.
Ito ay sa kabila ng nangyaring cyber attack o pagpapabagsak ng mga hacker sa website ng COMELEC.
Nauna nang inihayag ng Malacañang na kumikilos na ang DOST at ilang ahensiya ng pamahalaan para mahigpitan ang security protocols ng COMELEC website.
(Jerico Albano / UNTV Correspondent)
Tags: isang mapayapang eleksyon, Malacañang, tulong sa publiko