Malacañang, umalma sa batikos ni Duterte ukol sa isyu sa trapiko

by Radyo La Verdad | December 1, 2015 (Tuesday) | 1630

JERICO_LACIERDA
Binuweltahan ng Malacañang ang pahayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ukol sa usapin ng problema sa trapiko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, hindi binabalewala ng gobyerno ang problema ng trapiko sa kamaynilaan.

Katunayan aniya, mayroon ng ginagawang mga solusyon ang gobyerno.

Ang mga ito aniya ay ang short term solution na gaya ng paglalagay ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group upang magmando sa trapiko at ang long term solution na pagpapatayo ng SLEX to NLEX connector road.

“Incidentally, we recognize traffic as a problem, and that why we have solution like short term solution line installation of HPG and the long term solution is the construction of SLEX-NLEX connector road” pahayag ni Lacierda.

(Jerico Albano/UNTV-Radio Correspondent)

Tags: , ,