Malacañang, umaasa rin sa patas at makatarungang desisyon sa disqualification case ni Senador Poe

by Radyo La Verdad | December 24, 2015 (Thursday) | 1407

NEL_COLOMA-2
Nakikiisa ang Malacañang sa mga taga suporta ni Senador Grace Poe bilang presidential candidate na umaasa ng patas at makatuwirang desisyon kaugnay sa disqualification case nito sa COMELEC.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos i-deny ng COMELEC ang motion for reconsideration ni Poe kaugnay ng disqualification nito.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nasa COMELEC ang desisyon ng qualifications ng presidential candidates base na rin sa sistema aniya ng batas.

Saubalit maari naman aniyang iapela ang kaso ng senadora sa Supreme Court bilang final arbiter sa naturang usapin.

Sa kabila nito, nauna ng nanindigan ang kampo ng senadora na natural-born Filipino ito at nakumpleto nito ang 10-year residency requirement kaya maari itong tumakbo bilang Pangulo ng bansa.

“In our system of laws, decisions on qualifications of presidential candidates are made by the Comelec and are appealable to the Supreme Court as the final arbiter. We join our people’s hope and trust that any decision that will eventually be rendered on the matter would be imbued with fairness and justice.” pahayag ni Coloma.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , ,