Malacañang, tumaas ang kumpiyansa sa pagtaas ng LP Bets sa SWS survey

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 1120

EDWIN-LACIERDA
Tumaas ang kumpiyansa ng Malacañang matapos umangat sa survey ang tambalang Roxas at Robredo sa SWS Survey.

Reaksiyon ito ng Malacañang matapos na madagdagan ng 4% ang voter preference o boto kay Liberal Party Presidential Candidate Mar Roxas habang 5% naman ang itinaas sa rating ni Congresswoman Leni Robredo sa bagong resulta ng SWS survey na isinagawa sa pagitan ng March 4 at 7.

Ayon Kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, sa kabila aniya ng pambabatikos ng oposisyon sa administrasyon ay patuloy na umuusad ang grado ng dalawa.

“…it shows the continuing consolidation and expansion of voter preference for the tandem of continuity, integrity and reform.”

Ani Lacierda, sa pamamagitan na rin aniya ito ng pagtatanong at paghingi ng kongkretong solusyon ng mga mamamayan sa mga kandidato ng bawat partido kaugnay ng problemang kinakaharap ng pamahalaan.

Ang naturang survey aniya ay nagpapakita lamang na integridad pa rin ng mga kandidato ang mahalaga sa mga botante.

“The latest snapshot of public opinion reveals that the electorate is troubled by integrity questions against candidates.” Ani Lacierda.

Ginawa ang naturang survey dalawang linggo matapos ang unang Presidential debate sa Cagayan de Oro City noong February 21.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,