Malacañang, tiwala na hindi bibigyan ng pardon ng Pangulo ang mga pulis na nahatulang guilty sa pagpatay kay Kian delos Santos

by Radyo La Verdad | November 29, 2018 (Thursday) | 11343

Welcome development para sa Commission on Human Rights (CHR) ang ibinabang guilty verdict ng Caloocan Regional Trial Court Branch 125 sa tatlong pulis kaugnay ng pagpatay sa 17 anyos na si Kian delos Santos.

Nagpasalamat si CHR Commissioner Chito Gascon sa lahat ng mga tumulong para makamit ang hutisya kabilang na ang mga testigo, human right defenders, mga imbestigador at ang mga prosecutor na humawak sa kaso. Pinuri naman ng Malacañang ang mabilis na resolusyon sa kaso.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang pagkaka-convict sa tatlong pulis ay patunay na patuloy na umiiral ang judicial system sa bansa. Naniniwala ang Malacañang na hindi bibigyan ng pardon ng Pangulo ang tatlong pulis.

Dagdag pa ni Panelo na ang ginawa ng mga ito ay hindi sakop ng pangako ng Pangulo na siya ang mananagot sakaling may mapatay ang mga alagad ng batas sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Samantala, nanawagan naman si Gascon sa pamahalaan na paigtingin ang kampanya para makamit ng iba pang biktima ng extra judicial killings (EJK) sa bansa ang hustisya.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,