Malacañang tiniyak na mananagot ang mga nagpabaya kaya nangyari ang banggaan ng dalawang tren ng LRT-2

by Erika Endraca | May 21, 2019 (Tuesday) | 9303

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na mananagot sa batas ang sinumang nagpabaya kaya nangyari ang banggaan ng 2 tren ng lrt-2 noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hinihintay ni Pangulong Duterte ang kabuuang ulat hinggil sa naturang insidente.

Batay sa inisyal na ulat, biglang gumalaw ang isang nasirang train na nakahimpil sa isang pocket track sa pagitan ng Anonas at Cubao station habang sumasailam sa pagkukumpuni at bumangga sa isang bumibiyaheng tren na galing sa Cubao station. Mahigit 30 ang nasugatan dahil sa nangyaring banggaan.

“The president is concerned, that’s why he is waiting for the result of the investigation, the why’s and there wherefore of the accident (including the possible accountability?) Yes , of.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , ,