Patuloy na nakikipagtulungan ang Malacañang sa hudikatura upang matiyak ang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng rehimeng diktadurya.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nasa proseso na ang mahigit sa pitumput anim na libong claims mula sa mga indibidwal at mga kaanak ng mga pinatay, pinahirapan at mga naglahong personalidad sa panahon ng Martial Law.
Magmumula aniya ang pondo sa narekober ng PCGG na ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Dumepensa naman ang Malacañang sa isyu ng mabagal na PAG-usad ng hustisya at kabiguang marekober ang lahat ng ill gotten wealth ng mga Marcos.
Ani Coloma, ang pagdiriwang ng EDSA People Power ay simbolo ng pagtatagumpay ng demokrasiya at pagbagsak naman ng diktadurya.
Naging daan din aniya ito sa mapayapang pagbuwag sa Berlin Wall at pagsasauli ng demokrasiya sa South Korea at Romania.
“Filipinos celebrate and rekindle the spirit of EDSA as it represents a high water mark in our history: the triumph of democracy and the defeat of dictatorship. Demonstrating the primacy of People Power is the Filipinos’ gift to the world: we paved the way to the peaceful dismantling of the Berlin Wall and the return of democracy in South Korea and Romania”. Ani Coloma.
(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)
Tags: diktadurya, Malacañang, mga biktima