Malacañang sa LGU: gawing ayon sa batas ang pagpapatupad ng ECQ

by Erika Endraca | April 30, 2020 (Thursday) | 6762

METRO MANILA – Kasunod ng mga reklamo laban sa pagpapatupad ng ilang tauhan ng barangay at kawani ng pamahalaan sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), nagpaalala ang Malacañang sa lahat ng mga kawani ng gobyerno.

Umapela sa Presidential Spokesperson Secretary HIarry Roque sa mga tagapagpatupad ng ECQ  na dapat sundin ang naayon sa batas.

Hinikayat niya rin ang lokal na pamahalaang papanagutin ang mga umaabuso dito.

Kaugnay ito ng insidente ng pananakit sa isang fish vendor ng ilang tauhan ng taga-task force disiplina at mga tanod sa barangay South Triangle sa Quezon City dahil sa paglabag umano nito sa quarantine protocol.

Ipinauubaya naman ni Secretary Roque sa lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pag-iimbestiga sa insidente at pagpaparusa sa mga napatunayang umabuso sa kanilang otoridad.

Kaugnay din sa mga reklamo laban sa mga nagbabantay sa quarantine checkpoints, nagpaalaala ang palace office na dapat agad na pinahihintulutang makadaan ang mga nangangailangan ng atensyong medikal.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,