Malacanang, nilinaw ang pagkakabanggit ng martial law ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 1252

panelo
Babala lamang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng pagdedeklara ng martial law.

Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, mapipilitan lamang ang pangulong ideklara ang batas militar kung magkakaroon na ng constitutional crisis at hindi na rin mapigilan ang kriminalidad dahil sa paglaganap ng iligal na droga.

“If there is constitutional crisis, if the Supreme Court will become the branch that will impede what the president is doing, he said that, and I know he will do it, he is president who walks his talk as we can see, he doesn’t even care to lose the presidency, he just wants to serve and protect the people.” Pahayag ni Panelo

Hindi naman nangangamba ang Malakanyang na mababawasan ang suporta ng publiko kay Pangulong Duterte dahil sa posibilidad ng pagdedeklara ng martial law kung hindi agad na masosolusyunan ang talamak na suliranin sa iligalna droga.

Samantala, ayon kay Secretary Andanar, sa loob ng ilang araw ay maglalabas din ang Malakanyang ng listahan ng mga matitinong local government officials upang bigyang-pansin din at pahalagahan ang walang bahid na reputasyon ng mas nakararaming opisyal ng pamahalaan.

Aniya, mas marami pa rin ang mga opisyal ng pamahalaan na maganda ang reputasyon kaysa sa mga tiwali at sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

(Rosalie Coz/UNTV Radio)

Tags: ,