Malacañang, nanindigang ‘di kinukunsinti ang anomang kaso ng EJKs

by Radyo La Verdad | November 3, 2017 (Friday) | 3058

Hindi makakalimutan ni Aling Loida ang pagsapit ng kaniyang kaarawan ngayong taon dahil kasabay nito, nasawi ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng riding in tandem criminals.

Naiwan sa kaniya ang labing-isa nilang anak, walo dito ay nag-aaral pa. Hirap siyang itaguyod ang mga ito dahil paglalabada lamang ang kaniyang pinagkakakitaan.

Hindi naman tutol sa isinusulong na kampanya ng pamahalaan kontra droga, hindi lang aniya makatarungan ang ginawang pagpatay sa kaniyang asawa.

Nanindigan naman ang Malacañang na hindi kinukunsinti ng pamahalaan ang anomang kaso ng extrajudicial killings.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, aminado sila na hindi maiiwasang may madamay na mga inosente sa anti-drug war ng gobyerno.

Ngunit ayon kay Roque, responsibilidad ng pamahalaan na papanagutin ang mga mapapatunayang sangkot sa EJKs.

 

( Abi Sta. Ines / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,