Aminado ang Malakanyang na may nakuha ng impormasyon ang pamahalaan at militar hinggil sa pinaplano ng teroristang grupong pinangungunahan ni Isnilon Hapilon, ang Emir o lider ng Isis sa Pilipinas bago pa man sumiklab ang kaguluhan sa Marawi City. At ang impormasyong ito ang ginamit ng pamahalaan upang gumawa aniya ng agarang aksyon ang militar at pigilan ang malaking planong pagkubkob ng teroristang grupo sa siyudad.
Kung hindi aniya ganito ang naging tugon ng militar, mas malala pa ang magiging sitwasyon sa Marawi ngayon.
Tiniyak ng pamahalaang nananatiling maayos ang kalagayan ng kalusugan ng punong ehekutibo.
Iniulat naman ng department of Information and Communications Technology na may mga facebook users nang subject ng pag-aresto ng mga otoridad dahil sa cyber sedition o paglabag sa article 142 ng revised penal code o paghikayat ng ibang taong magalit at mag-aklas laban sa pamahalaan.
Matatandaang pinakiusap ng armed forces of the Philippines sa facebook na alisin ang higit 60 fb accounts ng mga Jihadist at kanilang mga supporter.
Rosalie Coz / UNTV Reporter
Tags: Malakanyang