Malacañang, nakahandang bigyan ng abugado ang mga kaanak ng mga nasawi sa sunog sa pagawaan ng tsinelas sa Valenzuela City

by dennis | May 18, 2015 (Monday) | 1666
File photo
File photo

Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng abogado ang mga kaanak ng mga biktima sa nanyaring sunog sa Kentex Manufacturing Corporation sa Valenzuela City.

Ito ay kaugnay ng puna ng ilang mga kaanak ng mga biktimang na hanggang sa ngayon ay wala pang abogado na tatayo para sa kanila.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma na lumapit lamang ang mga pamilya ng mga biktima sa Public Attorneys Office o PAO para mabigyan ang mga ito ng legal assistance.

Nauna nang pinahayag ng Malacañang na pananagutin nito ang sinomang may sala sa malagim na trahedya.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ng mga otoridad na may mga paglabag sa Occupational Health and Safety Standards, National Building at Fire Codes ang management ng naturang pagawaan gaya ng kawalan ng fire sprinklers at kakulangan ng fire exits na itinuturong dahilan kung bakit na trap ang mga biktima sa ikalawang palapag ng pagawaan.

Tags: , ,