Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Ronnie Del Carmen, co-director ng Academy Winning Animated Feature film na ‘Inside Out’.
Ito ay matapos makuha ni Del Carmen ang Oscar’s Best Animated Feature Film award sa 88th Academy awards sa Hollywood.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang tagumpay ni Del Carmen ay simbulo ng talento at katalinuhan ng mga Pilipino.
Napatunayan naman na rin aniya ito dahil sa patuloy na pagkilala sa kakayahan ng mga Pilipino sa buong mundo.
“We extend our congratulations to Ronnie del Carmen, co-Director of the Academy Winning Animated Feature film, “Inside Out.” His achievement exemplifies the talent and creative genius of the Filipino that continues to reap global recognition.” Ani Coloma.
Si Del Carmen rin ang kaunaunahang Pilipino na naging co-director ng isang film sa Pixar Studios.
Tubong Cavite si Del Carmen na nagtapos sa College of Fine Arts and Design (CFAD) sa University of Santo Tomas.
(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)
Tags: Malacañang, Oscar, Pilipinong director