MANILA, Philippines – Nagpahayag na rin ng pagkabahala ang Malacañang sa pagdami ng mga undocumented Chinese sa Pilipinas.
Kasunod iyon ng naging pahayag ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na ang pagdagsa ng Chinese tourists sa bansa ay maituturing na security risk.
“Yes, worried kasi nga masyadong maraming may influx na magtataka ka, bakit nakakapasok sila” aniPresidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panel.
Sang-ayon din si Senator Panfilo Lacson sa sinabi ni Esperson. Inihalimbawa ng senador ang nahuling turista sa Palawan na kinukuhanan ng litrato ang Philippine Naval Base.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, responsibilidad ng Bureau of Immigration (BI) na magpatupad ng mahigpit na pagbabantay laban sa mga banyagang iligal na pumapasok sa bansa.
“Di lang worry ang number paano sila nakakapasok, binabantayan ba natin ito o hindi?” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.
Samantala iginiit naman ni Senator Lacson na may nakaamba ring banta sa seguridad sa pagasa island dahil sa pag-aligid ng mga Chinese vessels sa lugar.
“This is part of the cabbage strategy announced and launched in 2014. Mismong military general nagsabi ia-apply namin sa scs cabbage strategy. Meaning wrap mo layer by layer hanggang sa magutom at mauhaw ang naka-station para pag-alis niyan at i-harass mo para pag alis di na babalik. Remember pagasa island, yan ang meron tayong marines. Bakit nila iniikutan ng mga 100 and i suppose di lang commercial vessels yan kundi militia yan.” ani Senator Panfilo Lacson.
(Roderic Mendoza | Untv News)
Tags: Chinese nationals, Malacañang