Malacañang, Muling iginiit na naging responsable ang Pangulo sa pagharap sa Mamasapano incident

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 1297

JERICO_COLOMA
Muling iginiit ng Malacañang kasabay ng nagpapatuloy na pagdinig ng Senado sa Mamasapano na naging responsable si Pangulong Benigno Aquino III sa pagharap sa Mamasapano incident.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos sabihin ni Senator Juan Ponce Enrile na tahasan itong nagtago sa responsibilidad nito sa Mamasapano sa pamamagitan ng pagtatago sa likod ni dating PNP Chief Alan Purisima.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hinarap na aniya ng Pangulo ang lahat ng patungkol sa engkuwentro sa Mamasapano.

“President Aquino had always acted responsibly and faced squarely all matters pertaining to the Mamasapano incident.” ani Coloma.

Nauna nang ipinahayag ng Malacañang na inako na ni Pangulong Aquino ang responsibilidad bilang commander-in-chief at natugunan na rin nito ang ilang pangangailangan ng mga pamilya ng mga nasawing SAF Commandos.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,