Malacañang, kumpiyansang pipiliin ng publiko ang pagpapatuloy ng Daang Matuwid ni Aquino

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 1697

5-presidential
Naniniwala ang Malacañang na mas pipiliin pa rin ng publiko ang kandidatong magpapatuloy sa Daang Matuwid ng Administrasyong Aquino.

“We are confident that as clarity occurs, the public will take to heart that this nation has too much potential to risk any course other than continuity and stability through Daang Matuwid.” Pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

Ito ang reaksiyon ng Malacañang matapos ang mainit na laban ng mga presidentiables sa bagong survey ng Pulse Asia.

Ayon kay Lacierda, habang naliliwanagan aniya ang mga botante, nangangahulugan naman aniya ito ng pagtatagumpay ng mga karapatdapat na mailuklok sa pwesto.

“As the public’s attention and concentration increases the breakthrough of the true candidates of reform is imminent.”

Dagdag pa ni Lacierda, lumiliit ang lamang ng mga kandidato habang nakikita ng publiko ang realidad na ilan sa mga kandidato ay hindi makatagal sa pagsisiyasat.

“The posturing is wearing thin as reality is catching up with those increasingly unable to withstand scrutiny.”

Sa survey ng Pulse Asia na isinagawa sa pagitan ng Feb. 15 at 20 sa 1,800 registered voters nationwide, parehong nanguna sina Senator Grace Poe at VP Jejomar Binay na nakakuha ng 26% at 25%

Nakakuha naman ng parehong 21% sina Mar Roxas at Davao City Mayor Rodrigo Duterte habang 3% si Senator Miriam Santiago.

Samantala, statistically tied naman sa Vice Presidentiables sina Senator Chiz Escudero at Senator Bongbong Marcos na nakakuha ng 29% at 26%.

Nakakuha naman ng 19% si Camarines Sur Representative Leni Robredo, 12% si Senator Alan Cayetano, 6% si Senator Antonio Trillanes habang 4% naman si Senator Gringo Honasan.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,