Kinontra ng Malacañang ang paraan ng pagtrato ni Davao Mayor at Presidential Candidate Rodrigo Duterte sa hustisya para sa mga tiwaling opisyal ng Gobyerno.
Reaksiyon ito ng Malacañang matapos sabihin ni Duterte na palalayain nito sina dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Senator Bong Revilla sakaling manalo siya bilang pangulo ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, mas mainam rin aniyang ang kaniyang running mate na si Senador Alan Peter Cayetano ang magpaliwanag sa sinabi ni Duterte.
Matatandaan aniyang si Cayetano ang nanguna sa imbistigasyon sa Senado laban kay First Gentleman Mike Arroyo dahil sa umano’y milyong dolyar na bank account sa Germany.
Hindi rin pinalampas ng kalihim ang pinagyayabang nito na mahigit sa isang libong katao na pinatay nito nang walang due process at plano nitong pagpapalaya sa mga nakakulong na matataas na opisyal gaya ni Arroyo at Revilla sa pamamagitan lamang ng isang press release.
Ani Lacierda, kung totoo ang sinasabi ni Duterte ay posibleng ganito ang aasahang katarungan sa administrasyon ni Duterte.
“Of the 1700 people Duterte caimed he killed, he executed without due process, on the big fishes, he releases summarily with one press statement. That is Duterte justice for you.” Pahayag ni Lacierda.
Tags: duterte, hustisya sa bansa, Malacañang