Hindi uurong ang pamahalaan sa mapanghamong babala ni Communist Party of the Philippines Founding Chair Jose Maria Sison na kayang pumaslang ng mga rebeldeng New People’s Army ng isang sundalo kada isang araw.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumugon at nagbabalang bawat sundalong masasawi, tutumbasan ito ng pagpatutumba sa limang NPA.
Ginawa nito ang pahayag sa kaniyang pakikipagpulong at salo-salo sa 215 mga dating rebeldeng pinamumunuan mismo ni Sison.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, di dapat hinahamon ni Sison ang pamahalaan.
Batay naman legal counsel ng NDF consultant na si Rafael Baylosis, asahan na ang mas matinding engkwentro sa pagitang mga rebelde at mga tauhan ng gobyerno dahil sa kinanselang usapang pangkapayapaan.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: duterte, Joma Sison, Malacañang