Malacañang, itinangging nagiging masyadong malamya sa usapin ng militarisasyon sa South China Sea

by Radyo La Verdad | February 8, 2018 (Thursday) | 4521

Tumugon ang Malacañang sa mga kritisismo na tila umano nagsasawalang-kibo ang gobyerno sa ulat na matatapos na halos ang ginagawang militarisasyon ng China sa pitong reefs sa South China Sea o West Philippine Sea.

Itinanggi ito ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque at anito kasama ang Pilipinas sa mga nananawagan ng self-restraint sa pinagtatalunang teritoryo.

Kamakailan, binigyang-diin ng mga foreign ministers ng ASEAN sa isinagawang ASEAN foreign ministers’ retreat sa Singapore ang kahalagahan ng non-militarization at pagpipigil sa mga aktibidad sa South China Sea lalo na’t ito ang makapagpapagulo sa sitwasyon at makapagpapalala ng tensyon.

Ito ang nakasaad sa inilabas na pahayag ni Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan.

Ang pagpupulong ay una sa mga serye ng pagtitipon ng mga high ranking ASEAN Member State Representatives para sa chairmanship ng Singapore sa taong ito.

Ayon naman kay Roque, nanatiling kasama ang Pilipinas sa panawagang ito ng ASEAN.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,