Malacañang, itinanggi ang umano’y harrassment ng administrasyon sa mga LP members na planong suportahan si Poe

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 4850

SECRETARY-SONNY-COLOMA
Pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyon ng panggigipit ng administrasyon sa mga miyembro ng Liberal Party.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag matapos sabihin ni Vice Presidential Candidate Senator Chiz Escudero na ginigipit ng administrasyon ang mga miyembro ng Liberal Party na planong suportahan si Presidential Candidate Senator Grace Poe.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., wala aniyang ginagawang panggigipit ng gobyerno sa mga miyembro ng LP.

Pinabulaanan din ng malakanyang na sinibak at inilipat ng distino ang may nasa 500 hepe ng Philippine National Police sa mahigit 1000 munisipalidad sa pagbibigay ng courtesy sa kalabang kandidato ng administrasyon.

Ani Coloma, ipinaliwanag ni DILG Secretary Mel Sarmiento na ang paglilipat ng distino ng mga hepe ng pulis na tumagal ng dalawang taon ay sakop lamang ng regular rotation policy ng PNP.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,