Ipinauubaya na ng Malakanyang sa mga mambabatas ang pagpapasa ng panukalang batas hinggil sa death penalty.
Ayon sa Malakanyang, nirerespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso bilang co-equal branch ng ehekutibo.
Sinabi rin ng Malacañang na tiwala si Pangulong Duterte sa mga mambabatas na batid ng mga ito na ang muling pagpapatupad ng death penalty ay para sa kapakinabangan ng bansa.
Naniniwala rin ang pangulo na sa kapag naibalik na ang death penalty ay mababalik ang respeto ng mga mamamayan sa batas at masisiguro na mapaparusahan ang mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen.
Tags: ipinauubaya na sa mga mambabatas, Malacañang, pagpasa ng death penalty bill