Malacañang, iniutos ang pagdaragdag ng mga tauhan ng militar at pulisya sa 4 na probinsya

by Radyo La Verdad | November 23, 2018 (Friday) | 8422

Iniutos ng Malacañang sa Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagdaragdag ng pwersa ng militar at pulisya sa apat na probinsya upang mapigilan ang lawless violence.

Naitala ang sunod-sunod na karahasan partikular na sa mga probinsya ng Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.

Sa bisa ng Memorandum Order No. 32, inatasan din ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mas maigting na ugnayan sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ) at iba pang law-enforcement agencies para sa mas malakas na intelligence operations, imbestigasyon at prosekusyon ng mga gumagawa ng karahasan.

Iginiit naman ng Malacañang na dapat igalang ng mga tauhan ng AFP at PNP ang constitutional rights ng lahat ng indibidwal sa pagpapatupad ng kautusang ito.

Tags: , ,