Malacañang, ikinalugod at iginagalang ang hatol ng Korte kaugnay ng Ampatuan massacre

by Radyo La Verdad | December 19, 2019 (Thursday) | 20367

Naniniwala ang Malacañang na nakapamayani ang rule of law nang maglabas ng hatol ngayong araw, (Dec. 19, 2019) si Quezon City Regional Trial Court branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes laban sa mga akusado sa pinakamatinding election-related violence sa bansa – ang Ampatuan massacre.

Ilan sa mga miyembro ng Ampatuan clan ang hinatulang guilty beyond reasonable doubt at habambuhay na pagkakakulong.

Ayon kay Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, naglabas na ng desisyon ang Korte batay sa mga inihaing ebidensya ng prosekusyon at defense.

“The palace welcomes — as it respects — the decision rendered by Judge Jocelyn Solis-Reyes of branch 221 of the regional trial court of Quezon City on the decade-long case where 58 individuals, 32 of whom were media workers, were assassinated in Ampatuan, Maguindanao last november 23, 2009,”  ani Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Ccounsel.

At bagaman may magkakaibang reaksyon kaugnay ng promulgation, maaari naman aniyang i-apela ang naturang hatol. Partikular na sa Korte Suprema.

 “Those who disagree with the judgements of the court have legal remedies under disposal. Ultimately, it will be the supreme court that will give the final judgement. For now, what is important is that the rule of law has prevailed,” dagdag ni Sec. Salvador Panelo, Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Ccounsel.

Samantala, pinuri naman ng Palasyo ang mga opisyal ng Executive Branch Partikular na ang mga prosecutors gayundin ang mga official na nagtataguyod ng press freedom at Human Rights habang dinirinig ang kaso ng Ampatuan massacre.

Muli ring binigyang-diin ng Malacañang na ‘di na dapat pang maulit ang ganitong uri ng karumal-dumal na krimen sa bansa kaya itinataguyod aniya ni Pangulong Duterte ang law and order.

(Rosalie Coz)

Tags: , , ,