Malacañang, ikinabahala ang ulat hinggil sa presensya umano ng Chinese ships sa Benham Rise

by Radyo La Verdad | March 10, 2017 (Friday) | 1442


Ikinabahala ng Malacañang ang ulat hinggil sa umano’y presensya Ng Chinese Survey Ships sa Benham Rise.

Ang Benham Rise ay tinatayang nasa layong dalawangdaan at limampung kilometro silangan ng hilagang baybayin ng Isabela.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ipinaalam na ng Department of National Defense sa Department of Foreign Affairs ang ulat na ito at binibigyang-diin ang karapatan ng bansa sa ating teritoryo.

Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na noong nakalipas na taon ay may namataan ring Chinese Survey Ships malapit sa Benham Rise na kinikilala ng United Nations na teritoryo ng Pilipinas gayundin sa reed bank sa West Philippine Sea.

Inatasan na rin ang Philippine Navy na sitahin at itaboy ang mga barko ng China kung muling mamataan malapit sa Benham Rise.

Tags: , , ,