Malacañang, iginiit na si Joma Sison ang dahilan kung bakit ‘di umusad ang usapang pangkapayapaan

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 4081

“Hindi po kasalanan ng gobyerno na ‘di natuloy ang peace talks, si Joma Sison po ang umayaw.”- pahayag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Ito ang naging pahayag ng Malacañang nang tanungin kung ang pamahalaan ba ang dahilan sa pagkakaantala ng usapang pangkapayapaan.

Una nang sinabi ng founder ng Communist Party of the Philippines at Chief Political Adviser Jose Maria Sison na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpatigil ng peace negotiations ng government at National Democratic Front peace panels.

Dahilan para ‘di mapirmahan ang isang stand-down agreement o ang pansamantalang pagtigil sa offensive mode ng mga armadong pwersa ng magkabilang panig.

Sinabi rin ni Sison na si Duterte ang pinakamalaking spoiler ng negosasyong pangkapayapaan sa pagpipilit na gawin ang peace talks sa Pilipinas.

Samantala, ayon kay Roque, nananaginip ng gising si Sison nang magbanta ito sa pakikilahok sa pagpapabagsak ng Duterte administration at hindi matatapos ang termino ni Pangulong Duterte.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,